-- Advertisements --

Binuhat ni Houston Rockets forward Dillon Brooks ang kaniyang koponan para pataubin ang Toronto Raptors gamit ang kaniyang 27-point performance.

Tinapos ng Rockets ang laban hawak ang apat na puntos na kalamangan, 114 – 110.

Maliban kay Brooks, solidong performance din ang ipinakita ng sentrong si Alperen Sengun na gumawa ng double-double – 17 points, 10 rebounds.

Ang high-flying guard ng Rockets na si Jalen Green ay kumamada naman ng 22 points at pitong rebound.

Binuhat naman ng Raptors rookie na si Ja’Kobe Walter gamit ang kaniyang 27 points habang nalimitahan lamang sa anim na puntos ang guard na si Scottie Barnes, kasama ang team-high na sampung rebounds.

Dinumina ng Rockets ang paint area at gumawa ng 62 points sa loob nito. Ito ay katumbas ng 50% o kalahati ng kabuuang score na kanilang naipasok.

Sa Raptors, bumawi ito sa 3-pointer at nagpasok ng 17 tres kumpara sa pitong naipasok ng Houston.

Ngunit sa kabila ng magandang 3-point performance, mas naging aggresibo ang Rockets sa depensa. Sa buong laban kasi ay gumawa ito ng 53 rebounds habang 42 lamang ang naisagot ng kalaban.

Mas maraming steals at blocks din ang nagawa nito kumpara sa Raptors.