-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Kakaiba ang magiging selebrasyon ng taunang Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Festival sa Enero 2021 dahil ipagpapaliban muna ang dinadayong masayang sadsad sa kalye o street dancing.
Ayon kay Kalibo Mayor Emerson Lachica na dahil sa pandemya dala ng coronavirus disease o COVID-19, inaasahang magiging simple ang nakasanayang makulay at magarbong selebrasyon.
Ngunit, wala pa aniyang pinal na desisyon sa mga gagawing aktibidad.
Dahil tradisyon na ang tribe competition, pinag-uusapan na gagawin ito sa pamamagitan ng virtual sa loob ng Magsaysay Park at limitado lamang ang papayagang makasaling miyembro ng bawat tribu.
Ang event ay maaaring ipalabas sa pamamagitan ng live online broadcast o sa mga cable television.