BUTUAN CITY – Parehong handa na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Offices (PDRRMO) ng Dinagat Islands at Surigao del Norte provinces sa impact na dala ng bagyong Ambo na inaasahang mararanasan nila ngayong gabi.
Ayon kay Surigao del Norte Provincial DRRM officer Gilbert Gonzales, gaya ng Dinagat Islands partikular na pinatututukan ni Governor Francisco Matugas ang mga lugar na prone sa landslides at pagbaha.
Pinagbabawalan na rin ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa paglalayag sa karagatan dahil sa lilikhain nitong malalaking alon.
Ngunit nilinaw nito na walang kanselasyon sa biyahe ng mga sasakyang pandagat ngunit nagdedepende pa rin sa magiging utos ng Philippine Coast Guard lalo na sa mga rutang mainland Surigao patungong Dinagat Islands at Siargao Islands at vice versa.