-- Advertisements --
Dinagat bm killing reward

BUTUAN CITY – Nag-alok na ng monetary reward si Police Regional Office-13 regional director Police Brigadier General Gilberto DC Cruz para sa agarang ikakahuli ng riding-in-tandem suspects na bumaril kay Dinagat Islands provincial board member Wenefredo Olofernes.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Pol. Lt. Col. Randy Amaru, station commander ng Surigao City Police Station, na mula sa P50,000 ay itinaas na sa P100,000 ni RD Cruz ang reward money para mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na aniya sila sa mga may-ari ng mga establishment sa paligid ng crime scene upang makakuha ng footage sa insidente at magkaroon ng lead sa kaso.

Una rito, pinatay ang nasabing board member ng lalaking angkas ng motorsiklo habang pauwi na sana ito sakay ng kanyang motorsiklo kasama ang kanyang live-in partner matapos mag-gym.