BUTUAN CITY – Epektibo ngayong araw, Hunyo 7 hanggang Hunyo a-21, ang pagsasara sa Dinagat Islands province upang matigil na ang dumaraming mga kaso ng COVID-9 sa nasabing probinsya.
Dahil dito’y hindi na makakapasok ang mga indibidwal kahit na ang mga Dinagatnons na mula sa labas ng provincial island maliban na lamang kung may medical emergencies, official business at iba pang mga essential purposes.
Ayon kay Provincial Information Officer Jeff Crisostomo, ang pagsasara sa kanilang probinsya ay bilang pagsunod sa inilabas na Executive Order No. 06-01, Series of 2021 ni Governor Arlene ‘Kaka’ Bag-ao bilang suporta na rin sa iba’t ibang community quarantine issuances ng mga municipal local government units ng kanilang probinsya.
Layunin nito na makakahinga ang kanilang probinsya dahil punoan na ang kanilang mga isolation facilities.