-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Muling binatikos ng kanyang mga constituents at mga netizens si Dinagat Islands Rep. Allan Uno Ecleo, sa isinagawang “Himamat 2025” na inorganisa ng Commission on Elections o COMELEC provincial office matapos nitong bitawan sa kanyang kinatatayuan, ang microphone nang tumunog ang timer na hudyat na tapos na ang kanyang 2-minutong pagbibigay ng pahayag, sabay walk-out.

Makikita sa nag-viral na video online na matiwasay pa ang unang minuto sa pagsalita ng kongresista habang nasa entablado kasama ng mga kontra-partido para sa upcoming midterm elections.

Nang tumunog na ang buzzer at nagsasalita pa rin ang kongresista, dito na nagsalita ang moderator kungsaan pinasalamatan nito ang hindi pa natapos sa kanyang pagsasalita na kongresista at dito na niya tinapon ang microphone sabay walkout mula sa venue.

Kaagad namang inanunsyo ng kanyang mga kasamahan na may iba pang appointment ang kongresista at kailangan umano nitong magmadali.

Una nang ba-bash ang kongresista nmatapos itong pumirma para sa pagpapa-impeach kay Bise Presidente Sara Duterte.