-- Advertisements --

ILOILO CITY – Itutuloy ng Iloilo City Government ang Dinagyang Festival 2021 sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nagsagawa na sila ng pagpupulong ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated at napagkasunduan na ituloy ang Dinagyang Festival.

Tiniyak rin ng alkalde na susundin pa rin ang health protocol upang maiwasan na mahawaan ng virus.

Isa rin sa kinokonsidera ni Treñas ay ang pagsagawa ng online tribes competition ngunit wala pang pinal na detalye.