-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magiging face-to-face na ang Dinagyang Festival 2023.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Trenas, sinabi nito na matapos ang dalawang taon na Digital Dinagyang, napagdesisyunan ng City Government at ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated na ibalik na sa face-to-face ang isa sa mga biggest at world-class festivals sa bansa.

Ayon kay Trenas, bumabalik na sa normal ang lungsod ng Iloilo dahil sa pag-resume ng face-to-face classes at bumama na rin ang kaso ng COVID-19.

Napag-alamang dalawang taon nang naging digital ang Dinagyang o isinagawa lamang sa pamamagitan ng virtual platform dahil sa pandemya.

Asahan rin ayon sa alkalde ang pagdating ng mga bisita hindi lang sa ibang bahagi ng bansa kundi maging mga foreign nationals.

Ang Dinagyang Festival ay isinasagawa tuwing buwan ng Enero bilang pagbibigay pugay kay Señor Sto. Niño.