-- Advertisements --
ILOILO CITY – Tuloy pa rin ang Dinagyang Festival 2022 kahit nakapagtala na ng Omicron variant case ang Iloilo City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Joyce Clavesillas, Executive Director ng Iloilo Festivals Foundation Incorporated, sinabi nito na all set na ang lahat ng mga nakalinyang aktibidad kaugnay sa Dinagyang Festival.
Ayon kay Clavesillas, natapos na rin ang shooting ng mga competing tribes kung saan magiging digital ang performance at walang street dance na magaganap.
Maging ang Miss Iloilo pageant kung saan nanalo dati si Rabiya Mateo bago naging Miss Universe Philippines ay mapapanood lang sa social media.