NAGA CITY- Inaasahan na dadagsa ang halos na sa milyong mga deboto para bumisita sa pinaka-dinarayong simbahan sa Calabanga, Camarines Sur upang makiisa sa isasagawang Alay lakad kaugnay ng pag-obserba sa Mahal na Araw.
Kaugnay nito, nakahanda na ang Our Lady Of La Porteria Parish Church katuwang ang mga uniformed personnel, local health unit, Barangay Pastoral Councils, at Incident Management Team para sa pagdagsa ng mga deboto at mga peregrino.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media ni Fr. JR Bañal, Parochial Vicar ng Our Lady Of La Porteria Parish Church, sinabi nito na bawat aktibidad na kanilang ginagawa, pinapaalam aniya nila ito sa lokal na gobyerno ng Calabanga upang magin well-coordinated sila sa iba pang mga ahensya.
Ayon naman sa pagtataya ng Local Government Unit, inaasahan ang nasa milyon na mga deboto sa obserbasyon ng Holy Week simula palm sunday hanggang sa resurrection sunday. Ito kasi aniya ang mga araw na talagang dinadagsa ng mga tao ang lugar upang bumisita sa kanilang simbahan at sa Hinulid Chapel sa Santa Salud, Calabanga. Gayundin ang mga deboto na sasama sa Alay Lakad.
Maliban aniya sa mga Bikolano, may mga pilgrims rin na mula pa sa ibang lugar ang bumisita na sa parokya.
Samantala, inabisuhan naman nito ang mga media at vloggers na dadalo at gagamit ng mga drones, na maliban sa lisensya nito, kailangan rin itong iparehistro dahil mayroon umanong mga rules and regulations na ipapatupad.
Sa ngayon, nananatili aniyang bukas ang simbahan para sa iba pang mga relihiyon upang maranasan naman ng mga ito kung paano isinasagawa ng mga katoliko ang selebrasyon ng semana santa.