Dinagdagan pa ng San Juan City government ang capacity ng mga customers sa iba’t-ibang restaurant at kainan sa nasabing lungsod.
Mula sa dating 50 percent ay magiging 75 % na ito ngayon.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na laman ng executive order na mayroon ng 75 percent dine-in capacity ang mga cafes, food parks, food courts, canteen at eateries.
Kabilang din sa mga dito ay ang barbershops at salons, testing, review and tutorial centers, pet grooming centers, travel agencies, tour operators, reservation services, intertnet at computer shops.
Ang nasabing hakbang aniya ay para sa pakonti-konting pagbangon na ng ekonomiya ng nasabing lungsod.
Isa rin aniya na dahilan sa pagdagdag ng capacity ay para madama ng kanilang mamamayan ang diwa ng kapaskuhan.