-- Advertisements --

Bahagi ng multilateral defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang Navy-Marine Expeditionary Ship Interdiction System o NMESIS missile system para sa pagsasanay ng ating sandatahang lakas. 

Ito ang inihayag ni Senate Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino kasunod ng pagde-deploy ng Amerika sa bansa ng NMESIS bilang bahagi ng Balikatan joint military exercises na magsisimula ngayong araw. 

Giit ni Tolentino, ang sinasabi umanong killer missiles ay hindi banta o paghahamon samakatuwid ay bahagi ng ating pagsasanay. 

Samantala, kinatigan din ni Tolentino ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr na ang balikatan ngayon ay magiging full battle test kung saan ang lahat ng military doctrines at procedures ay susubukan. 

Aniya, anumang hakbang na magpapalakas sa ating defense capabilities at cross military training kasama ang iba pang mga kaalyadong bansa ay suportado ng senador. 

Una nang Iminungkahi ni Tolentino na isama sa Balikatan exercises ang pageensayo ng posibleng gulo na maaaring mangyari sa Taiwan Strait. 

Suhestiyon ng senador na isama na rin sa pagsasanay o rehearsal ang mga commercial vessels na pwedeng tumulong sa posibleng pagpapauwi ng 250,000 na mga Pilipinong nasa Taiwan.