-- Advertisements --

Nagdiriwang ngayon ang ‘Kapuso Royal Couple’ na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng kanilang ika-10 wedding anniversary nitong Lunes, Disyembre 30.

Matapos ang kanilang marangyang kasal noong 2014 sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City, na itinuturing naman na ‘most celebrated events’ sa Philippine showbiz.

Kasama naman sa intimate event ang kanilang mga anak na sina Zia at Sixto.

Sa isang kamakailang panayam, ibinahagi ni Marian na bagamat hindi siya umaasa ng anumang magarbong selebrasyon, mas nais ni Dingdong na ipagdiwang ang anibersaryo nang may kahulugan. Sa isang victory party para sa kanyang pelikulang ‘Balota’, inilarawan ni Marian na si Dingdong, ay isang sentimental na tao sa buhay nito.

Para kay Marian, ang pinakamahalagang aspeto ng kanilang relasyon ay ang magkasama silang dalawa, may masaya at maayos na pagsasama, at ang kanilang mga anak ay malusog at maayos.

Habang kontento si Marian sa pagmamahal na mayroon sila, na tila si Dingdong ay nais ring maglaan ng oras para sa kanilang 10 taong pagsasama.