Nagpaabot ng taos-pusong pakikiramay si Dingdong Avanzado sa pagpanaw ng OPM icon na si Hajji Alejandro matapos ang maikling laban sa cancer.
Sa kanyang mensahe, inalala ni Avanzado ang kanilang malalim na pagkakaibigan na hindi lang umikot sa musika kundi pati sa sports, at pagbahagi ng buhay.
Ayon kay Avanzado, si Alejandro ay naging mentor, kaibigan, at inspirasyon sa kanya, at pinasalamatan niya ito sa mga aral sa buhay na naibahagi nito. Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ni Hajji, kabilang sina Rachel, Barni, Ali, at ang buong Alejandro clan.
“Pahinga ka na, Tito Hajji. Hindi ka namin makakalimutan,” mensahe ni Avanzado bilang pamamaalam.
Si Hajji Alejandro ay kilalang haligi ng Original Pilipino Music at iniwan ang isang makulay at makabuluhang pamana sa industriya ng Musika sa bansa.