-- Advertisements --

Nasa mabuting kalagayan na ang singer na si Dingdong Avanzado.

Ito’y matapos sa ospital magdiwang ng Pasko ang 53-year-old singer kasunod ng pagkuyog sa kanya ng mga bubuyog habang nasa gitna ng paglalaro ng golf.

Ayon sa singer din na si Jessa Zaragoza, bahagyang nahihilo pa rin ang mister dahil sa anti tetanus vaccine pero sana ay mabilis itong makarekober.

Kuwento ng “Bakit Pa?” hitmaker, tinatayang 40 kagat ng bubuyog ang nabilang nito partikular sa likurang bahagi ng katawan ni Dingdong.

“He (Dingdong) drove home feeling really sick and nauseated. I got so worried he’d go into anaphylactic shock, due to the venom coming from the multitude of bee stings,” wika ni Zaragoza.

Noong una aniya ay ayaw pa magpaospital ni Avanzado ngunit kinalaunan ay nakinig naman sa kanilang anak matapos tila magalit na ito dahil sa labis na pag-aalala.

Sa ngayon ay maga pa rin ang mga kagat ng bubuyog lalo na sa mata ni Dingdong.