Labis na nababahala ngayon ang mga artistang sina Dingdong Dantes at Ice Seguerra dahil sa isyu na kinasasangkutan ngayon ng National Youth Commission (NYC) head na si Ronald Cardema.
Ito ay kasunod ng pag-utos umano ng Malacañang na iwan ni Cardema ang kanyang posisyon sa NYC matapos nitong kausapin ang Comelec na papalitan niya ang kanyang asawa na si Duciele Suarez bilang nominee ng Duterte-Youth Partylist.
Tinawag ni Dantes na “railroading” ang ginawang ito ni Cardema dahil ginamit daw nito ang kanyang koneksyon upang makakuha ng pwesto sa Kongreso sa pamamagita ng nasabing partylist.
Ipinagtataka rin ni Dantes kung bakit bigla na lamang umatras ang limang nominado at biglang ipinalit si Cardema bilang substitute sa mga nawala.
Hindi rin ito ikinatuwa ni Ice Seguerra.
Si Seguerra ay ang dating Chairman ng NYC ngunit nagbitiw ito sa pwesto noong 2017 matapos niyang makaranas ng depresyon.
Ayon sa singer, deserve raw ng mga kabataan ang mas maayos na pamamahala sa NYC.