Ibinunyag ni Dingdong Dantes na dinapuan siya at ang halos lahat ng miyembro ng pamilya ng COVID-19.
Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video at ibinahagi ang pangyayari sa kanila noong nakaraang dalawang linggo.
Sinabi nito na nakapag-booster vaccine na ito sa lungsod ng Parañaque kung saan naging normal ang kaniyang naramdaman.
Dagdag pa nito na pagkatapos ng ilang araw ay marami ang hindi maganda ang pakiramdam sa mga nakapaligid sa kanila.
Halos lahat aniya ng kanilang kakilala ay nagpositibo na sa COVID-19.
Nalaman na lamang nito na nagpositibo na siya sa virus matapos na sumailalim sa COVID-19 testing.
Hindi rin aniy nito alam kung paano nila nakuha ang nasbing virus at ang naging pasalamat na lamang nila ay hindi gaanong matindi ang sintomas dahil nakapag-booster na sila bago mahawa.
Matapos na malaman na nagpositibo ito ay agad siyang nag-isolate.