-- Advertisements --

Binati ni Dingdong Dantes ang asawang si Marian Rivera kasunod ng kumpirmadong pagiging isa sa judge ng aktres sa nalalapit na 70th Miss Universe pageant.

Nag-post ang 41-year-old actor ng larawan ni Marian at nilagyan ng caption hango sa bandang Hotdog.

“Malinaw na malinaw, ngayon at ano mang araw, ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.” Naaaaks!😉

Always proud of you,” ani Dingdong o Jose Sixto sa tunay na buhay.

Dingdong Marian

Nagpakilig naman ang mag-asawa sa palitan nila ng sweet comments sa Instagram kung saan pinapauwi na ng 37-year-old actress ang mister.

Samantala, usap-usapan na anim na designer gowns ang baon ni Rivera na pagpipilian daw nito sa pag-upo sa panel of judges ng Miss Universe pageant.

Nariyan ang “Beautiful Rose” inspired gown ni Jo Rubio, gayundin ang itim na gown na isang Marc Rancy creation, at itim din ngunit sentro ang black bow gown ni Andrea Tetangco.

Ngunit usap-usapan na ang gold-beaded gown na likha ni Mak Tumang ang posibleng isuot niya sa coronation night sa darating na December 13 Manila time.

Bukas, December 6, babiyahe na si Marian patungo sa Eliat, Israel na siyang host country ng Miss Universe ngayong taon.

Kahilera na nito ang mga Filipino celebrities tulad nina Kuh Ledesma, Lea Salonga, at Pia Wurtzbach na naging judge na rin ng Miss Universe.