BOMBO ILOILO – Dinosenang katao, patay sa paghagupit ng major winter storm sa Amerika
Mahigit sa dalawampu na ka mga tao ang namatay sa Estados Unidos at libung-libo ang nawalan ng suplay ng kuryente sa mismong araw ng pasko dahil sa nangyaring major winter storm.
Ayon kay Bombo Pinoy Gonzales direkta sa Amerika, sinabi nito na umabot na sa 24 ang death toll dahil sa brutal na bomb cyclone na nagdala ng snow, malakas na hangin at freezing temperatures.
Ang western US state ng Montana ay ang worst-hit ng pinakamalamig na panahon kung saan, umabit sa -50F (-45C) ang temperatura.
Humigit 2,300 na domestic at international flights ang kanselado sa Christmas Eve dahil sa makapal na snow sa mga daan na humaharang ng sanay holiday weekend travel ng mga residente.
Mahigit tatlong oras naman at maka-abot ang ambulansya sa ospital.
Ang blizzard ayon kay Bombo Pinoy ang “worst storm” sa history ng iba’t-ibang lugar sa Amerika.
Sa New York, may gaganaping federal disaster declaration upang magkaroon ng pondo para sa mga nangangailangan.
Ang iba pang Estado na may naitalang patay ay ang New Yor, Ohio, Kansas, Vermont, Colorado, Wisconsin, Michigan at Kentucky.