-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ng DSWD at isinailalim sa de-briefing ang 10-anyos na batang dinukot ng live-in partner ng tiyahin nito habang naghahatid ng module sa paaralan umaga ng Abril 5 matapos itong ma-rescue ng mga otoridad sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Joseph Forro III, hepe ng Banga PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ngunit ayon kay Forro, positibong ginahasa ang Grade 5 pupil ayon sa resulta ng medico legal.
Samantala, naaresto na rin ang suspek na kinilalang si Freddie Rico Salinas Dela Cruz, 28-anyos, binata, walang trabaho at residente ng Purok Roces, Bo.5, Banga, South Cotabato.

Nahuli ang suspek sa Purok Cinderella, Brgy. GPS, Koronadal City matapos ang isinagawang ‘Oplan Pagtugis’ ng CIDG-South Cotabato, Banga MPS at ng South Cotabato PNP.

Sinampahan na rin ng kasong abduction with statutory rape ang suspek.

Napag-alaman na live-in partner ng tiyahin ng biktima si Dela Cruz at umano’y karelasyon ng biktima.

Ito umano ang dahilan kung bakit itinatanggi ng bata na kasama nito ang suspek.

Matatandaan na naglabas pa ng P50K na reward money si Mayor Albert Palecia sa mabilis na pagkakahuli ng suspek.