-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Muling umapela ng dasal sa publiko ang Diocese of Kalibo para sa retreat ng mga kaparian at ang gaganapin na 126th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Marzon Hotel sa Jaime Cardinal Sin Avenue sa bayan ng Kalibo, Aklan mula July 3-10, 2023.

Sa lingguhang misa, humiling ng dasal si Bishop Jose Corazon Talaoc, D.D para sa ligtas na pagbyahe ng papal nuncio, bishops at cardinals na dadalo sa plenary assembly kung saan, sa pangbihirang pagkakataon na gaganapin ito sa labas ng Metro Manila.

Ang CBCP plenary assembly ay ang twice-a-year meeting na dinadaluhan ng Philippines’ 88 active bishops, 37 retired o resigned prelates at dalawang diocesan priest administrators.

Sesentro ang nasabing asembleya sa pastoral matters kabilang ang agenda sa moral, doctrinal at social issues.

Pagkatapos ng kanilang plenary assembly ay didiretso ang mga ito sa isla ng Boracay.

Nabatid na ang CBCP plenary assembly ay madalas ginaganap sa Pope Pius XII Catholic Center sa Manila ngunit noong 2019, napagdesisyunan umano ng mga obispo na ibalik sa regional meetings at regional assemblies kung saan, noong 2016 at 2018 ay binali ng CBCP ang tradiyon at ginanap ang plenary assemblies sa Cebu.