-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nakiisa ang Diocese of Kalibo sa pakikidalamhati ng buong simbahang katolika sa pagpanaw ni Pope Francis.

Isa si Rev. Fr. Justy More, chancellor ng Diocesan Curia of Diocese of Kalibo ang lumipad patungong Rome, Italy upang dumalo sa libing ng Santo Papa sa araw ng Sabado, Abril 26.

Aniya, naniniwala ang mga Katoliko sa resurrection o muling pagkabuhay, isang nangungunang doktrina ng Kristiyanismo kung saan, nagwakas na ang paghihirap ng Holy Father sa kaniyang iniindang sakit.

Pumanaw aniya si Pope Francis sa Easter octave o walong araw na selebrasyon na nagsimula noong Linggo ng Pagkabuhay at magtatapos sa second Sunday of Easter na kilala sa tawag na Divine Mercy Sunday.

Nagsagawa ng misa ang St. John The Baptist Cathedral kasunod sa anunsyo na namatay si Pope Francis kung saan, nawalan aniya ang simbahan ng Holy Father at totoong makatao na inialay ang kaniyang sarili upang maghatid ng pag-asa.