-- Advertisements --
Bilang paghahanda sa posibleng pananalasa at paglandfall ng bagyong Pepito sa lalawigan ng Catanduanes, inanunsyo ng Diocese of Virac na bubuksan nila ang lahat ng kanilang mga simbahan sa lalawigan para gawing evacuation areas.
Ito ay para sa mga pamilya at indibidwal na gustong lumikas bago pa man ang pagtama ng bagyo.
Ayon sa Diocese, noon pa man ay binubuksan na talaga nila ang kanilang mga simbahan upang pansamantala na gawing kanlungan ng lahat.
Bukas ang kanilang simbahan anuman ang paniniwala at relihiyon ng mga evacuees.
Tiniyak rin ng pamunuan ng Diocese of Virac na ligtas ang kanilang mga simbahan dahil na rin sa lokasyon nito.
Hinikayat rin nito ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng lahat dahil sa nagbabadyang bagyo.