Matapos ang naging pananalasa ng Super Typhoon Pepito sa lalawigan ng Catanduanes, nanawagan ngayon ng tulong ang Diocese of Virac para sa mga biktima ng ST Pepito sa lalawigan.
Sa isang statement , sinabi ng diocese na kinakailangan ngayon ng mga taga Catanduanes ng tulong lalo na yuong labis na napinsala ang mga tahanan.
Karamihan kasi sa mga taga Catanduanes ay nasira rin ang kabuhayan dahilan para mawalan na ang mga ito ng pag-asa.
Kung maalala, unang naglandfall ang bagyo sa naturang lalawigan at nag-iwan ito ng matinding pinsala.
Ayon sa diocese, lahat ng mga donasyon maliit man o malaki ay mahalaga para makabangon ang mga biktima ng bagyo.
Bukas pa rin ang kanilang mga simbahan para gawing pansamantalang silungan ng mga pamilyang nawalan ng tirahan.