Iginiit ng Malacañang na hindi na kailangan pang dumaan sa kumpirmasyon ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si incoming Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kanilang posisyon ay batay sa masusi nilang pag-aaral sa mga batas at jurisprudence kaugnay sa pagtatalaga ng BSP governor.
Ayon kay Sec. Panelo, batay sa Article VII, Section 16 l ng 1987 Constitution, hindi kasama ang BSP governor sa dapat sasailalim sa CA confirmation.
Inihayag ni Sec. Panelo na batay din sa Supreme Court (SC) ruling sa Calderon vs. Caral, walang kapangyarihan ang Kongreso na amyendahan ang alinmang probisyon ng Konstitusyon sa pamamagitan lamang ng isang batas o legislation.
Kaya hindi aniya maaaring dagdagan ng Kongreso sa pamamagitan ng isang batas ang mga presidential appointees na dapat sasailalim sa CA confirmation maliban sa mga malinaw at ispesipikong binabanggit sa Konstitusyon.
“After further evaluation of relevant laws and jurisprudence surrounding the appointment of former Secretary of Budget and Management Benjamin E. Diokno as the new Governor of the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), it is the position of the Palace that the said appointment need not be confirmed by the Commission on Appointments (CA),” ani Sec. Panelo.
“Article VII, Section 16 of the 1987 Constitution governs presidential appointments requiring the nod of the CA and the listing thereunder only names the following officials: a. heads of the executive departments; b. ambassadors; c. other public ministers and consuls; d. officers of the armed forces from the rank of colonel or naval captain; and e. other officers whose appointments are vested in the President under the Constitution, such as commissioners of Constitutional Commissions. A perusal thereof reveals that the Governor of the BSP does not fall under any of the categories of officials.”