-- Advertisements --
Sinang-ayunan na ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa hindi muna nitong pagtanggal ng import tariff sa mga bigas.
Sinabi ng kalihim na hindi niya trabaho para kontrahin ang anumang desisyon na ito ng pangulo.
Magugunitang ibinasura ng Pangulo ang panukalang pagtanggal na ng import tariff ng mga bigas para tuluyang bumaba ang ang presyo ng mga ito.
Una rito iminungkahi ni Diokno ang pagtanggal ng taripa sa mga bigas para makamit ang tuluyang pagbaba ng presyo nito.