-- Advertisements --
BSP gov diokno
Incoming DOF Secretary Benjamin Diokno

Tatlo pang magiging miyembro ng gabinete ng incoming administration ang inanunsiyo ngayon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ni Marcos na kanyang magiging Trade secretary si Alfredo Pascual isang international development banker, finance expert at dating naging presidente ng University of the Philippines System.

Pinangalanan din ni Marcos ang kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor na si Benjamin Diokno na malilipat sa Department of Finance.

Ang termino sana ni Diokno ay sa July 2023 pa.

Ipapalit naman sa kanya upang punan ang termino sa BSP ay ang kilalang ekonomista at propesor na si Felipe Medalla.

Si Medalla ay dating Socio-Economic Planning secretary at director-general ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

fred pascual
Incoming Trade Secretary Alfredo Pascual

Habang si Engr. Manuel Bonoan ang pinili naman ni Marcos bilang susunod na DPWH secretary.

Si Bonoan ay ang kasalukuyang presidente ng operations and management companies ng Skyway, NAIAX, SLEX at STAR.

Dati na ring naging undersecretary noon sa DPWH si Bonoan.

“I know the economic team si critical and that is what the people are looking too. I think we have found the best people who are able to look forward and to anticipate what the conditions will be for the Philippnes and the coming years,” ani Marcos sa isang panayam.

Kinumpirma rin naman ni Marcos na inalok niya na maging bahagi rin ng gabinete si Rep. Rodante Marcoleta at UP Professor Clarita Carlos pero hindi pa rin daw nakakapagdesisyon ang mga ito.

Nagpahiwatig daw kasi si Marcoleta na posible pang bumalik sa party-list sa Kamara.

Kung maalala una nang umatras sa pagtakbo sa pagka-senador si Marcoleta.

MANNY
Incoming DPWH Secretary Manuel Bonoan

Samantala sa iba pang posisyon, marami umano ang nag-a-apply at kinakailangan pa rin na pag-aralan ng husto.

Maaring mag-anunsiyo daw si Marcos sa mga susunod na araw.

Tulad na lamang daw ng magiging kalihim ng DICT, mamumuno sa BIR, Customs at magiging solicitor general.

FELIPE MEDALLA
Incoming BSP Governor Felipe Medalla

Samantala, unti-unti na ring nabubuo ang gabinete ng incoming administration:

DEPED – VP-elect Sara Duterte
OES – Vic Rodriguez
DTI – Alfredo Pascual
DILG – Benhur Abalos Jr.
DOJ – Boying Remulla
NEDA – Arsenio Balisacan
DOLE – Benny Laguesma
DMW – Susan “Toots” Ople
PCOO – Trixie Cruz-Angeles
DPWH – Manny Bonoan
DOF – Benjamin Diokno
BSP – Felipe Medalla

Special Assistant to the President – Anton Lagdameo