Pinangunahan ngayong araw ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang unveiling ng isang marker sa makasaysayang Fort San Antonio Abad sa loobv ng BSP Complex sa Manila.
Ginawa ang unveiling bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-70 anibversaryo ng Bangko Sentral ngayong araw.
Ang marker ay itinayo noong 1584 bilang depensa pagpasok sa Maynila mula sa Timog at kinilalang “National Cultural Treasure” ng National Museum.
Kasama ni Diokno sa unveiling ceremony sina Senior Assistant Governor and Chief Legal Counsel Atty. Elmore Capule, Deputy Governor Francisco Dakila, Jr., Monetary Board (MB) Member Juan de Zuñiga, Jr., MB Member Felipe Medalla, Deputy Governor Maria Almasara Cyd Tuaño-Amador, National Museum of the Philippines (NM) Director IV Jeremy Barns, NM Director III Ana Maria Theresa Labrador, National Museum Acting Director III Angel Bautista, MB Member V. Bruce Tolentino at NHCP Chairman Rene Escalante.
Ang BSP Monetary Board ni Diokno bilang chairman habang miyembro sina Finance Sec. Carlos G. Dominguez III, Felipe M. Medalla, Juan De Zuniga, Jr., Peter B. Favila, Antonio S. Abacan, Jr. at Bruce J. Tolentino.
Ipinapaabot naman ng Bombop Radyo Philippines ang mainit na pagbati sa 70th anniversary ng Bangko Sentral ng Pilipinas.