-- Advertisements --
Pinawi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang pangamba ng karamihan sa paghina ng peso kontra sa dolyar.
Sinabi ni Diokno na ang paggalaw ng peso ay ibinabase sa supply at ang market condition at ibang mga currencies.
Nangangahulugan lamang daw na malakas ang dolyar pero hindi ibig sabihin na mahina ang peso.
Lumabas din sa datus ng BSP na lahat ng mga currencies sa ibang bansa ay bumaba ang halaga kumpara sa peso.