-- Advertisements --

Tiniyak ni bagong Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na handang-handa na siya sa bago nitong posisyon.

Sa kanyang pinakabagong press conference sa Department of Budget and Management (DBM), sinabi ni Diokno na sa darating na Huwebes ay magpapatawag na siya ng kauna-unahang monetary policy meeting.

Ayon pa kay Sec. Diokno, may kagandahang hindi “insider” sa BSP ang pinili ni Pangulong Duterte bilang governor.

Pagdepensa ni Diokno sa kanyang kuwalipikasyon, mayroon naman siyang doctorate in economics saka proper training at bilang independent director ng isang bangko, alam daw niya ang mga requirement ng mga umuutang.

Nangako rin ang outgoing DBM secretary na ipagpapatuloy niya ang pagpapatupad sa mga polisiya kaugnay sa price stability, financial system integrity at maging ang adbokasiya rin ni dating BSP Gov. Nestor Espenilla Jr., pagdating sa financial inclusion.