-- Advertisements --
Dionisia Pacquiao with Bombo GenSan
Dionisia Pacquiao with Bombo GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Personal na inindorso ni Mommy Dionesia Pacquiao ang kanyang karelasyon na si Michael Yamson at mga bodyguard para sa Dugong Bombo.

Nitong hapon ng Biyernes biglang dumating sa Broadcast Center ng Bombo Radyo Gensan ang tinaguriang Pac Mom at inihayag ang suporta sa Nationwide Blood Letting Program.

Ayon pa nito na malaki ang maiambag ng kanyang ka live in partner na si Yamson pati mga bodyguard dahil malalaki ang mga pangatawan .

Hindi rin pinalampas ni Dionesia ng sinabi na kilala ang lahat ng personahe nitong himpilan dahil lahat ng mga programa ang kanyang pinakikinggan.

Pati drama memorize pa nito matapos sinabi na kanya din itong pinakikinggan.

Hindi rin napigilan ang sarili ng sabihin na gustong magsuot ng T-Shirt ng Dugong Bombo para ipakita sa publiko ang buong suporta sa The Number Radio Network in the Country.