Hindi indikasyon ng kahinaan ang pagresolba sa mga isyu sa pamamagitan ng diplomasiya.
Ito ang iginiit ng international maritime law expert na si UP professor Jay Batongbacal sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Hunyo 22.
Aniya, mayroon ng mga kaso sa ibang bansa kung saan may mga pinsala na nagkaroon ng injuries na naresolba sa pamamagitan ng diplomasiya at nagkaroon ng kompensasyon at hindi nauwi sa giyera.
Mahalaga din aniya na matukoy ang konteksto ng isang insidente para matukoy kung ito ay isang act o aksidente lamang para maiwasan ang anumang untoward events.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos nga ang insidente sa Ayungin shoal noong Hunyo 17 kung saan matinding nasugatan ang tauhan ng PH Navy na si Seaman First Class Jeffrey Facundo nang harangin, banggain at sampahan ng Chinese Coast Guard ang kanilang inflatable boat habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin shoal.