Kinilala ng Diplomatic Corps ang layo na ng narating ng pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan sa Bangsamoro Region.
Sa Vin d’Honneur sa MalacaƱang ngayong ika-126 na Araw ng Kalayaan, sinabi ni Papal Nuncio Charles Brown na
partikular nitong binanggit ang ika-10 anibersaryo ng pag-lagda sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro at
ang napipintong BARMM parliamentary elections, na sumasalamin sa progresong ito.
Sila aniya sa diplomatic corps, buo ang suporta sa mga hakbang na ito.
Sabi ng Papal Nuncio, nitong Pebrero, una na rin siyang nakabisita sa Jolo, ang lugar na batid naman aniya ng lahat, na nagdusa dahil sa armed conflict.
Gayunpaman, sa kaniyang pagbisita, personal niyang nakita ang pagasa sa mata ng mga mamamayan ng Jolo.
Hinikayat rin ng Papal Nuncio ang lahat na magtulungan upang maisakatuparan ang mga minimithing pagasa ng mga mamamayan ng Bangsamoro Region.