Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. na nakapaghain na muli ng panibagong diplomatic protest ang pamahalaan sa China.
Ito’y kaugnay ng ulat na ilang Chinese vessels ang nakitang naglalayag sa paligid ng Pag-asa Islang sa South China Sea.
Sa kanyang online post, sinagot ni Locsin ang pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na nagrekomenda ng paghahain ng protesta.
“Diplomatic protest fired off,” ani Locsin.
Ayon sa kalihim na napag-aralan na niya ang rekomendasyon ng kapwa cabinet official dahil ulat mula sa militar lang umano ang kanyang pagbabasehan para sa aksyon.
“I did. I listen only to military intelligence; I distrust civilian sources of “misinformation.” When it comes to national security, I am the thinking trigger; the finger is the Commander-in-Chief and the Armed Forces which are the protector of people & state.”
Kung maaalala, naghain din ng diplomatic protest ang pamahalaan kamakailan dahil naman sa insidente ng pagbangga umano ng isang Chinese fishing vessel sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.