-- Advertisements --

Sibak sa pwesto ang Direktor ng Davao City Police Office at 19 iba pang Police Station Commanders nito pati na rin ang ilang police officers.

Ito ay ay dahil hindi tumugma ang isinumiteng report ng mga nasabing opisyal sa 22 kaso ng pamamaslang at 41 panggagahasa sa Davao city. Ang malaking bilang ng mga kaso ay naitala simula Enero hanggang Mayo ngayong taon.

Ipinag-utos ni PRO-11 Regional Director PBGen. Nicolas Torre III ang pagpapatalsik sa mga ito. Napag-alaman niya rin na sangkot din ang ilang police officials sa pagtatago ng 2 police blotters.

Binigyang diin ni PRO-11 Spokesperson, PMAJ. Catherine Dela Rey na inalis sa pwesto ang mga naturang opisyal para mapanatili ang integridad ng mga lokal na pulisya.

Kasabay nito ay nagtalaga muna ng mga tauhan mula sa Police Provincial Offices at Regional Headquarters para sa mga bakanteng pwesto ng mga bakanteng pwesto ng mga nasibak na opisyal.