-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Haharap sa konseho nitong lungsod si City PNP Director Col. Edilberto Tuson ang kasama ang dalawa nitong hepe para bigyan linaw ang pagkawala ng siyam na kabataan.

Ito ang sinabi ni City Councilor Franklin Gacal Jr matapos dumulog a kanyang tanggapan ang anim na magulang na naghahanap sa kanilang mga anak.

Sinabi ng konsehal na siya man naguguluhan kung saan pumunta ang mga kabataan gayong pawang mga menor de edad.

Lumabas kasi sa imbestigasyon ng Konsehal na nOong Abril 10 nagmamaneho ng 14-anyos na lalaki ang isang pedikab habang sakay nito ang katorse anyos na babae, nalaman na pati pedikab ang hindi na nakita pa.

Nasundan ng pagkawala ng apat na lalaki noong Abril 20.

Matatandaan nagbigay lamang ng isang linggong time line si Col. Tuson sa pulisya sa lungsod para hanapin ang mga nawawalang kabataan.