-- Advertisements --

Patay ang isang film crew member habang isa ang sugatan matapos ma-discharge ng Hollywood actor na si Alec Baldwin ang prop na baril sa kanilang set sa pelikula na “Rust” sa New Mexico.

Kaagad na dinala sa hospital via helicopter ang director of photography na si Halyna Hutchins, 42, ngunit idineklara ng mga medical personnel sa University of New Mexico Hospital na dead on arrival.

ALEX BALDWIN ACTOR
Hollywood actor Alec Baldwin

Patuloy naman na ginagamot sa Christus St. Vincent’s Regional Medical Center ang 48-anyos na direktor na si Joel Souza.

Sa ngayon inaantay pa ang medical condition ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na una rito may eksenang kinukunan kung saan nasangkot ang paggamit ng isang prop na baril.

Iniimbestigahan pa kung anong uri ng baril ang na-discharge.

Nangyari ang insidente dakong ala-1:50 ng hapon local time.

Napag-alaman na ang “Rust” ay isang Western film at set noong taong 1880.

Liban kay Baldwin, 63, ang iba pang mga stars ay sina Travis Fimmel at Jensen Ackles.

Bagamat inimbitahan na si Baldwin, na isa ring writer at producer, ng sheriff office para tanungin hindi pa naman ito kinasuhan.

“According to investigators it appears that the scene being filmed involved the use of a prop firearm when it was discharged,” bahagi pa ng statement. “Detectives are investigating how and what type of projectile was discharged.”

Kung maalala umani nang “critical acclaim” si Baldwin sa Amerika kanyang pagganap na “US President Donald Trump” sa long-running TV series sa Saturday Night Live kung saan nanalo pa siya ng Primetime Emmy award noong 2017 at nominated muli noong 2018 at 2021.

Ilan pa sa maraming pelikula na naging bahagi siya ay sa “The Hunt for Red October” (1990), “Alice” (1990), “To Rome with Love” (2012), Martin Scorsese “The Aviator” (2004), “The Departed” (2006). (with reports from Bombo Jane Buna)