-- Advertisements --

Nasa 100 percent ready na umano ang technical preparations para sa audio, video at mga ilaw para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mga pagpupulong nina Direk Joyce Bernal, RTVM director Demic Pabalan at kanilang team, ginarantiyahn ng mga ito na kompleto na ang mga kinakailangang paghahanda.

Kung may mga maliliit na pagbabago man para sa aksyon ng Pangulo, maaari ring gumawa ng adjustment ang team na hindi makakaapekto sa buong preparasyon.

Una nang sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar sa Bombo Radyo na maaaring tumagal ng 45 minuto hanggang isang oras ang ulat sa bayan ng Pangulo, maliban na lang kung may mga sasabihin itong wala sa prepared speech.