-- Advertisements --
Itinuturing ni director Paul Soriano na naging matagumpay ang unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi nito nasunod ang naging kagustuhan niya para sa nasabing unang SONA.
Ibinahagi nito na naging cinematic ang nasabing dating SONA na isang linggo nila itong pinaghandaan.
Dagdag pa nito na kaya isinali sa unang pagkakataon ang zoom broadcast dahil sa kasalukuyan ay nasa pandemya pa rin ang bansa at para makasali sa SONA ang mga OFW.
Magugunitang napili si Soriano na mag-direct ng SONA ni Marcos dahi sa pagiging malapit na ito sa pamilya at siya rin ang gumagawa sa mga vlog ng pangulo.