-- Advertisements --

Pinaplano ng gobyerno na magkaroon ng mga direktang flight mula sa bansang Brunei patungo sa ibat ibang tourist destination sa bansa.

Ginawa ng Department of Tourism ang naturang pahayag kasunod ng naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa naturang lugar.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni Tourism Secretary Maria Christina Frasco na malaki ang maitutulong ng hakbang na ito para umusbong ang turismo sa Pilipinas na makatutulong rin sa paglago ng ating ekonomiya.

Mas marami kasi aniya na mga turista ang maaakit na bumisita sa Pilipinas sakaling matuloy na ito.

Layon rin nito na direkta nang magtungo sa Cebu at Clark ang mga bisita at hindi lang sa Maynila .

Upang maisakatuparan ito, makikipag ugnayan ang DOT sa DOTr para sa gagawing route development

Pinasalamatan naman ng kalihim si PBBM dahil sa buong suporta nito na palaguin ang turismo ng bansa.