-- Advertisements --
image 67

Napagkasunduan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Israeli Foreign Minister Eliyahu Cohen na magkaroon ng direktang flight sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Sa idinaos na pagpupulong sa MalacaƱang, sinabi ng Israeli official kay Pangulong Marcos na ang driect flights sa pagitan ng Pilipinas at Israel ay makakapagpalakas ng economic at tourism relations ng dalawang bansa.

Dagdag pa ng Israeli Foreign Minister na lahat ng ministries ay magtutulungan para maisakatuparan ang naturang plano at makapaghikayat ng mas marami pang mga negosyante na mamuhunan at bisitahin ang mga lugar sa pagitan ng dalawang bansa.