-- Advertisements --

Inilarawan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang direktiba ng China na arestuhin ang trespassers sa pinagaagawang karagatan bilang probokasyon at paglabag sa United Nations charter.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa isang panayam kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Navy sa heaquarters nito sa lungsod ng Maynila.

Ang naging tugon nga ng Defense official ay kasunod ng inilabas na report ng state media ng China hinggil sa isang regulatory document ng China kung saan epektibo daw sa Hunyo ay ikukulong na ng China Coast Guard ang trespassers nang walang paglilitis.

Kabilang sa itinuturing nitong trespassers ang mga dayuhang pinaghihinalaang iligal na dumaan sa borders ng China na maaari aniyang ikulong ng hanggang 60 araw.