-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing tinutulan ng lokal na pamahalaan ng Misamis Oriental ang direktiba ni DILG Sec Eduardo Año na e-lift ang pagbabawal sa pagpasok ng mga processed meat products sa probinsiya.

Sinabi ni Provincial veterinarian Dr. Benjamin Resma na malagay sa peligro ang kalagayan ng P25-billion hog industry sa rehiyon dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Resma, na ang pag-ban ng processed meat products ay isang matatag na preventive measure upang hindi makapasok sa Misamis Oriental at mga karatig na lugar sa rehiyon ang nasabing sakit.

Kanilang pinakiusapan si Sec Año na ikonsidera ang kaniyang direktiba dahil ang kanilang pakay ay ma-proteksyonan ang hog industry nang Northern Mindanao.