Nais umano ng Department of Justice (DoJ) na tapusin sa lalong madaling panahon ang isasagawang joint investigation kasama ang bansang China kaugnay ng pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank noong Hunyo 9.
Sa isang panayam sinabi ni Justice Usec. Markk Perete na hinihintay na lamang ng DoJ ang direktiba mula sa Office of the President kung papayagan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng joint investigation.
Ayon kay Perete mahalaga raw ang magiging direktiba ng Malacañang para malaman kung sino ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa panel na mag-iimbestiga sa kaso at kung anong batas ang kailangang ma-adopt sa imbestigasyon.
Dumipensa naman si Perete sa mungkahi nilang magkaroon ng joint investigation kaysa sa paraller investigation.
Aniya, mas maiging magkaroon ng joint investigation para makuha ang kooperasyon ng China sa naturang insidente at malaman ang version ng China sa pagbangga nito sa fishing vessel ng mga mangingisdang Pinoy.