-- Advertisements --

Ipinahayag ni Basketball Hall of Famer Dirk Nowitzki ang kanyang pagka-dismaya sa biglaang pag-trade kay Luka Doncic mula sa Dallas Mavericks patungong Los Angeles Lakers.

“I think he obviously didn’t see this coming,” sabi ni Nowitzki, na isang NBA MVP at Finals MVP noong 2007 at nagdala sa Mavericks ng kanilang kauna-unahang NBA championship noong 2011. suportado rin niya si Doncic matapos ang nakakagulat na trade kasama ang paglipat kay superstar power forward Anthony Davis sa Dallas.

Ang naturang pahayag ay matapos dumalo si Nowitzki sa Ticketstock event ng isang radio station kung saan ibinahagi niya na inanyayahan siya ni Doncic sa debut nito sa Lakers, kaya’t nagdesisyon siyang susuportahan ito.

“I felt like I had to support him,” sabi ni Nowitzki, at aniya naging malapit sila ni Dončić, dahil parehas na naglaro nang magkasama sa huling season ni Nowitzki sa NBA.

‘I played with him my last season, we’ve gotten close. I’ve tried to mentor him, I’ve tried to help him as much as I can these last few years and he’s just, he’s a good kid,’ dagdag pa ni Nowitzki.

Samantala aminado naman si Nowitzki na surreal ang pakiramdam na makita si Dončić na naglalaro para sa Lakers.

‘At the end of the day, I’ll never be a Lakers fan, but I’ll also be a Luka fan,’ sabi ni Nowitzki, na binigyang-diin ang kanyang suporta sa Mavericks ngunit patuloy ang paghanga kay Doncic sa kanyang talento at karakter.

Sakabila ng nakakabiglang trade, naniniwala naman si Nowitzki sa magandang hinaharap ni Doncic sa Lakers, dahil may pagkakataon aniya itong makalaro si LeBron James.