-- Advertisements --
oil spill1

Sinimulan na ang disaster assessment ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kasama ang University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) kaugnay sa epekto ng oil spill mula sa lumubog na tanker na MT Princess Empress sa may Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero 28.

Patuloy ang pag-monitor ng marine scientists sa oil spill na na tumagas na base sa inisyal na pagtaya ay nasa 25 kilometro haba at 300 hanggang 500 metro lawak subalit walang reports ng oil spills na natagpuan sa may baybayin ng Marinduque , silangan ng Mindoro at sa timog-silangang bahagi ng Romblon.

Base sa oil spill trajectory models, ikinakatakot ngayon ng nasabing Marine Science Institute na maaring apektado na ng tumagas na langis ang nasa 36,000 ektarya ng coral reefs sa Bulalacao, Oriental Mindoro at Caluya, Antique

Maraming bayan na rin ang apektado ng oil spill sa may eastern seaboard ng Mindoro na humaharap sa Tablas Strait at ipinapangamba ng marine scientists ang posibleng epekto nito sa ekta-ektaryang coral reefs sa Bulalacao at Caluya.

Samantala, nakikipag-ugnayan na rin ang DENR sa Department of Social Welfare and Development, Department of the Interior and Local Government, and Department of Labor and Employment para sa pagsasapinal ng arrangements para sa pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong komunidad.