-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagsagawa ng “Disaster Caravan” ang Cordillera Disaster Risk Reduction Mangement Council at Benguet Provincial Disaster Risk Reduction Management Council para ihanda ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa darating na tag-ulan.

Pinangunahan ni Albert Mogul, Chairman ng CDRRMC at Regional Director ng Office of Civil Deffence (OCD) – Cordillera ang nasabing aktibidad.

Aniya, layunin ng aktibidad na malaman ng OCD – Cordillera kung gaano kahanda ang mga ahensiya ng pamahalaan sa darating na tag-ulan at panahon ng mga bagyo.

Ipinaliwanag ni Mogul na napag-usapan sa caravan kung ano ang mga kulang sa paghahanda ng mga ahensiya ng pamahalaan para malaman kung paano ito aayusin.

Isasagawa din ang kaparehong caravan at joint meeting sa iba pang bahagi ng Cordillera Administrative Region.