-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpulong ang mga komitiba ng apat na thematic areas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na kinabibilangan ng Committee on (1) Disaster Preparedness, (2) Prevention and Mitigation, (3) Disaster Response at (4) Disaster Rehabilitation and Recovery.

Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga iminungkahing programa at proyekto ng bawat komitiba na dapat tutukan ng mga ahensyang katuwang ng pamahalaan sa paghahanda sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Sa kanyang mensahe bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” J. TaliƱo-Mendoza, inilahad ni Committee on Disaster Risk Reduction and Management Chairman Ryl John Caoagdan na isa ang disaster preparedness and management sa mga mahahalagang programa na prayoridad ng pamunuan ni Governor Mendoza.

Dagdag pa nito na ang pagtutulungan ng bawat isa ay mahalaga upang maging handa sa hindi inaasahang mga sakuna.

Ang pagbuo ng mga komitiba sa mga nabanggit na thematic areas ng PDRRM ay isang hakbang ng pamahalaang panlalawigan upang mas mapadali ang pagresponde sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Nasa naturang pagpupulong din sina Board Member Sittie Eljorie Antao, Acting PDRRMO Head Arnulfo Villaruz, Provincial Fire Marshall Leilani L Bangelis at mga representate mula sa Philippine Army, Cotabato Police Provincial Office, IPHO, PTO, OPAG, PSWDO, PHIVOLCS, DEPED, PPDO, OPVET, PEO, DTI, DPWH, PopGAD at PBO.