-- Advertisements --

Bukod sa paglilinis ng mga silid-aralan, nakasentro rin ang Department of Education (DepEd) sa isinasagawang Brigada Eskwela para matiyak ng disaster preparedness ng mga paaralan.

Sa isang panayam, sinabi ni DepEd Usec. Tonisito Umali na hangad nilang maging ligtas ang mga paaralan sa panahon ng mga sakuna.

Bukod sa structural integrity ng mga school buildings, sinabi ni Umali na sinusuri rin nila ang mga electrical wirings at drainage system ng mga paaralan gayundin kung mayroong mga fire extinguishers at first aid kits ang mga ito.

Iginiit din ni Umali na dapat tiyakin din ng mga paaralan na naipapatupad ang water, sanitation, and hygiene (WASH) programs.

Isasagawa ng DepEd ang Brigada Eskwela sa mahigit 47,000 public schools sa buong bansa mula ngayong Mayo 20, na tatagal hanggang Mayo 25.