-- Advertisements --

DAVAO CITY – Priority bill ngayon sa senado ang Department of Disater Resilience na naglalayong matutukan at mapaghandaan ang paparating na mga kalamidad sa bansa lalong lalo na na ang Pilipinas ay isa sa mga tinuturing calamity prone country.

Ito mismo ang sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go nang dalawin nito ang mga nabiktima ng sunog sa Purok 2, Bryco Barangay 5A Bankerohan nitong lungsod ng Davao.

Nanawagan rin ang senador sa kapwa mambabatas na suportahan ang kanyang isinusulong na panukalang batas.

Kung maalala, prayoridad rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukalang batas kung saan ay nabanggit pa niya ito sa nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Dagdag pa ng senador na importante umanong magkaroon ng isang departamento para sa Disaster Resilience upang may maitalagang tao na syang tututok at makikipag-coordinate sa iba pang concerned agencies bilang point person na direktang magrereport sa presidente.